Ibong Adarna Author: Mike Bigornia at Rogelio MangahasCopyright: 1999 High School Features
- Naglalaman ng buod upang mabigyan ang mga estudyante ng pahapyaw na pagtingin o bird's-eye view ng istorya para magkaroon sila ng sapat na interes at mapagtuunan nila ng mas higit na pansin angg bawat bahagi ng kuwento.
- Pinapalawak ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa korido sa bahagi ng introduksiyon ng aklat. Dito ipinapaliwanag ang mga katangian ng nasabing uri ng panitikan at ang impluwensiya ng mga kaisipang ipahiwatig ng akda sa mga nagdaang panahon.
- Lumilinang sa mga kasanayan ng mga estudyante sa talasalitaan, pagbasa, pag-unawa, at paguugnay ng mga katotohanan at simbolo ng kuwento sa kasalukuyang panahon.
- Tinatampok ng mga orihinal na eksenang wala sa ibang bersiyon.
- Isinasaayos ang sa makabagong pagbaybay.
- Pinagagaan ang pag-aaral ng korido sa pamamagitan ng pag-hati nito sa apat na bahagi at pagpangkat-pangkat ng mga saknong ayon sa mga titolo. Nilagyan ng bilang ang bawat saknong upang madaling hanapin ang mga taludtud o bahaging nais tukuyin, pag-aralan, o suriin.
- Pinasisigla ang pag-aaral ng korido sa pamamagitan ng mga gawain tulad ng debate, paggawa ng poster, pagsulat, pagguhit, at malayang talakayan.
|
|