Seryeng Saligan Koordineytor/Awtor: Concepcion Javier Mga Awtor: Lourdes Arellano, Remedios Javier, Lorenza Abellera, Remedios Cayari, Leonardo dela Cruz, Jr, Nora Dillague, Jovita Jose, Natividad Mansilungan, Servillano Marquez, Jr., at Lydia Murillo Copyright: 2004 Para sa Baitang 1-7 Features
- Sumasaklaw sa lahat ng aspekto ng mabisang komunikasyon-pagbasa, pagsasalita, pakikinig, pagsusulat, at pag-iisip sa Filipino upang patibayin ang pundasyon ng mabisang pakikipagtalastasan at malikhaing pag-iisip ng inyong mag-aaral.
- Naglalaman ng mga piling-piling akdang pampanitikan tulad ng tula, pabula, dula, sanaysay, maikling kuwento, komik-istrip, balita, balagtasan, lathalain, liham, panayam, talambuhay, dula-dulaan, anekdota, at iba pa na tiyak na kagigiliwan dahil ang mga ito ay sadyang isinulat para sa mga Pilipinong mag-aaral.
- Hitik sa mga tulong sa pag-aaral tulad ng seksiyong Natatandaan Ba Ninyo? na naglalaman ng mga paalala ukol sa mga aralin sa pagbasa at wika.
- Binibigyan ng pagkakataon na sumibol ang natatagong talento ng mga mag-aaral sa malikhaing pagsulat sa tulong ng mga gawain sa paggawa ng tugma, tula, sanaysay, duladulaan, patalastas, liham, at iba pa.
- Binibigyang-pansin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa peryodismo o pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita at editorial, paggawa ng lathalain, at pakikipanayam.
- Isinusulong ang pagpapahalagang moral, espirituwal, sosyal, kultural, at pulitikal ng mga mag-aaral upang sila ay maging mabuting mamamayang Pilipino.
|